
Paparating na ang new addition sa team ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Sa wakas, mapapanood na ngayong gabi, July 3, si Kapuso actress Kyline Alcantara sa serye.
Gaganap si Kyline bilang Callie Sandoval, isang financial analyst at forensic accountant.
Hinahanap niya ang tatay niyang nasangkot sa online sabong.
Sa Instagram account ni Kyline, ibihagi niya ang warm welcome sa kanya ng Firewall team na binubuo ng co-stars niyang sina Miguel Tanfelix, Kylie Padilla, Jak Roberto, Buboy Villar, at Cheska Fausto.
Makikita dito na nasa headquarters sila ng team at may tarpaulin pang binabati si Callie sa pagpasok niya sa team.
"Makikilala nyo na mamaya sa Callie! Taskforce Firewall, 8:50 PM sa GMA Prime," sulat ni Kyline sa caption ng kanyang post.
Abangan si Kyline Alcantara bilang Callie Sandoval sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.