
The long wait is over!
Mapapanood na kasi ngayong gabi, July 3, si Kapuso actress Kyline Alcantara sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gaganap si Kyline bilang Callie Sandoval, isang financial analyst at forensic accountant.
Hinahanap niya ang tatay niyang nasangkot sa online sabong.
Ayon kay Kyline, magkakaroon daw ng mga pagbabago sa team ng Firewall sa pagpasok niya dito.
"Definitely may magbabago sa dynamics nila. Ako 'yung isang panggulo at first," pahayag niya sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Magiging susi din daw sa isang kaso ang kanyang karakter.
"Kung gusto mong malaman kung saan nagsimula ang isang krimen, you need to fololw the money," paliwanag niya.
Nagbigay naman si Kyline ng mensahe sa mga fans niyang matiyagang naghintay sa paglabas niya sa serye.
"I'm finally here. I'm finally here to be part of Taskforce Firewall. Sana po ay matuwa kayo sa character ko. I cannot wait sa inyong mga comments. Please be nice," aniya.
Abangan si Kyline Alcantara bilang Callie Sandoval sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.