
Bukod sa kanilang pinagbibidahang kilig series na Love At First Read, hooked na hooked din ngayon ang maraming netizens sa mga parinigan at palitan ng post at comment nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa Facebook.
Sa una, aakalain na tungkol sa mga kanilang personal na buhay ang laman ng mga Facebook posts, pero ito pala ay mga reaksyon lamang nila eksena at takbo ng kuwento ng kanilang pinagbibidahang mga karakter na sina Kudos at Angelica.
Gaya na lamang ng status ni Kyline kung saan sinabi niyang, 'Nagseselos ako ha,” na agad na inulan ng sari-saring reaksyon at komento mula sa netizens kung saan agad nila itong inuugnay kay Mavy.
Ang nasabing post ni Kyline, nasa halos one hundred thousand na ang reactions at nasa eighty thousand na ang shares.
Sa isa pang post, in-upload naman ng aktres ang video kung saan nagme-make face siya sa tabi ni Mavy na kinatuwaan din ng kanilang fans.
Ang online bardagulan ng dalawa, bagamat nakakaintriga ay paraan lamang ng MavLine upang i-promote ang bawat episodes ng kanilang serye.
Ang Love At First Read ay ang first-ever Kapuso series together as lead stars nina Mavy at Kyline na television adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo.
Ito rin ang second installment sa Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.
Patuloy naman na panoorin ang Love At First Read, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY LEGASPI AT KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO: