
Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang mga labi ng tinaguriang Mr. MVP na si Rene “Bobet” Baterbonia.
Ayon sa report na ipinalabas sa Unang Hirit, ang paglibing ng mga labi ni Rene ay gaganapin sa Miyerkules, June 24, 2026.
Hanggang ngayong araw ng, Martes, June 23 ay maaari pang bumisita sa burol ng student-athlete.
Inaasahan ang pagdagsa ng mga tagasuporta ni Rene para sa huling araw ng kanyang burol sa Talacogon, Agusan del Sur.
Ang mga labi ni Rene ay kasalukuyang nasa Talacogon Evacuation Center.
Si Rene ay nasawi sa pagkalunod noong June 8, 2026, sa Dipaculao, Aurora habang nasa “team building” ng Ateneo Blue Eagles.
Nalunod at binawian din ng buhay si Divine Adili, isa rin sa members ng basketball team.
Courtesy: Unang Hirit, GMA Public Affairs
RELATED CONTENT: Stars, basketball players shock over death of Ateneo recruits Rene Baterbonia and Divine Adili
Samantala, patuloy ang pagbibigay-pugay ng Philippine sports community, mga kaanak, mga kaibigan, at iba pang nagmamahal sa basketball player na si Rene Baterbonia.
Sa mga naunang report, inilahad na makatatanggap ng scholarship ang anim na kapatid ng yumaong basketball player na si Rene Baterbonia at ito ay mula sa Ateneo de Davao University.