
Muling mapapanood sa Philippine television ang Thai stars na sina Tao Sattaphong Phiangphor at Fern Nopjira Lerkkajornnamkul sa pinakabagong Lakorn series ng GTV, ang The Love Trap, simula April 24.
Ilan sa serye ni Tao na tumatak sa mga Pinoy ay ang Princess Hours, Mr. Merman, at Wicked Angel, habang napanood naman si Fern sa Man of Vengeance.
Makakasama nina Tao (King) at Fern (Pearl) sa time travel sa fantasy mystery series na The Love Trap sina Puri Hiranprueck (Tomas), Ben Raviyanun Takerd (Mutya), Amy Amika Klinpratoom (Imelda), at Tye Nattapol Leeyawanich (Danilo).
Magsisimula ang kuwento ng The Love Trap sa paghahanap ni King, isang police investigator, ng clue sa murder case ng isang sikat na restaurant owner. Nang mahulog sa ilog kasama si Pearl, isang dessert chef na pinagsususpetsahang may kinalaman sa murder case, ay bigla na lamang silang bumalik sa taong 1913.
Sa paghahanap ng paraan kung paano makababalik sa kasalukuyan, nadawit sina King at Pearl sa isang murder case ng isang mayamang pamilya.
Abangan ang The Love Trap ngayong April 24 sa GTV.
KILALANIN SI TAO SATTAPHONG PHIANGPHOR SA GALLERY NA ITO: