GMA Logo Martin Del Rosario
What's Hot

Lalaking sinunog ng dating kasintahan, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 23, 2021 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Martin Del Rosario


Tinulungan ng 'Wish Ko Lang' ang isang lalaking sinunog ng obsessed niyang ex-girlfriend.

Nasaksihan nating noong Sabado (November 20) ang malagim na sinapit ni Joshua sa kamay ng dating kasintahan na si Eva sa "Apoy" episode ng bagong Wish Ko Lang. Binibigyang buhay nina Martin Del Rosario at Maureen Larrazabal ang kuwentong ito.

Hindi matanggap ni Eva (Maureen Larrazabal), dating sugar mommy ni Joshua (Martin Del Rosario), na nahanap na ng huli ang tunay na pag-ibig nito kay Cristine (Faith Da Silva). Kaya naman gumawa ng paraan si Eva para sirain ang relasyon nina Joshua at Cristine.

Dahil sa selos at pagka-obsessed sa dating kasintahan na si Joshua, naghiganti si Eva sa pamamagitan ng pagsunog dito. Labis na naapektuhan ng pagsunog ang isang binti ni Joshua kaya naman kinailangang putulin ito.

Mahirap para kay Joshua na magsimula muli dahil sa kanyang sinapit. At para sa tuloy-tuloy na paggaling, pinagkalooban si Joshua ng bagong Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales ng wheelchair at psychological assistance.

Binigyan din ang pamilya ni Joshua ng bagong Wish Ko Lang ng sari-sari store package, lugawan at tapsilogan business, at merienda at chicharon business.

Kasama rin sa negosyo package ang RTW at beauty business, burger stand business, pastry business at libreng vocational course. Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding regalong kitchen appliances tulad ng rice cooker at portable stove.

Binigyan din ng programa ng tulong pinansyal si Joshua, brand new smartphone, at staycation package para sa buong pamilya.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Magkaibigan" episode ngayong Sabado, November 27, sa bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang gmapinoytv.com.

Samantala, bibida sa "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang ang isa sa pinakabagong Kapuso na si Rabiya Mateo. Kilalanin siya sa gallery na ito: