
Ibinahagi ni Maureen Larrazabal na na-challenge siya sa masamang karakter ni Eva sa 'Apoy' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 20.
Para kay Maureen, ang pagganap niya bilang sugar mommy na si Eva ang pinaka-challenging na role na nagawa niya.
"Ito ang pinaka-challenging role na ginawa ko sa Wish Ko Lang kasi rito masamang-masama ang ugali ko. Tunay na masama ang ugali ko kaya napaka-exciting sa akin ng role na ito," pagbabahagi ni Maureen.
Dagdag pa niya, "Dito ako first time nagkaroon ng sugar baby. Nag-aalaga na ako ng sugar baby at ako ay isang sugar mommy."
Makakasama rin ni Maureen sa "Apoy" episode ng bagong Wish Ko Lang sina Martin Del Rosario, Faith Da Silva, Pipay, Coleen Paz, at Sharmaine Arnaiz.
Huwag palampasin ang nagbabagang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 20, alas-4 ng hapon sa GMA.
Panoorin ang teaser ng "Apoy" episode sa Wish Ko Lang:
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tignan ang ilang female celebrities tulad ni Maureen Larrazabal na proud graduates ng 'Bubble Gang' sa gallery na ito: