GMA Logo lani misalucha and arabelle dela cruz
What's on TV

Lani Misalucha likens 'The Clash 2023' finalist Arabelle Dela Cruz to Ariana Grande

By Jansen Ramos
Published May 25, 2023 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

lani misalucha and arabelle dela cruz


Dahil sa ipinakita niyang galing, pasok ang feisty diva na si Arabelle Dela Cruz sa final four ng 'The Clash 2023' at may tsansang masungkit ang titulong fifth 'The Clash' winner.

Nakakuha ng magagandang komento mula sa judges ang festity diva ng The Clash 2023 na si Arabelle Dela Cruz.

Inawit ni Arabelle ang "Dangerous Woman" ni Ariana Grande at "River" ni Bishop Briggs sa 'The Clash Concert' na ipinalabas noong Linggo, May 21.

Komento Aiai Delas Alas, tila mandudurog ng mga kalaban si Arabelle dahil sa kanyang powerful performance.

"Talaga namang very, very strong ang dynamic, and your voice really resonates your body," aniya.

"And, you know...ang galing mo ngayon," sabi pa ng Comedy Concert Queen na nahirapan sa pag-i-Ingles.

Napatanong naman si Lani Misalucha kung sino ang kumanta ng "Dangerous Woman."

Sagot ni Arabelle, "Si Ariana Grande po."

Sundot ng Asia's Nightingale, "Sino 'yung Ariana Grande? Walang nakakakilala kasi may Arabelle na."

Humanga rin si Christian Bautista sa concert-like performance ni Arabelle. Pahayag ng romantic balladeer, "You owned the stage clearly, 'yung movements mo, 'yung vocal choices, attack...well done. You're ready."

Panoorin:

Dahil sa ipinakita niyang galing, pasok si Arabelle sa final four ng The Clash 2023.

Bilang finalist, may tsansa siyang masungkit ang titulong fifth The Clash winner sa grand finale ng musical competition na magaganap ngayong Linggo, May 28, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7.

Maaari rin itong mapanood sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

KILALANIN ANG FINAL FOUR CONTESTANTS NG THE CLASH 2023 SA GALLERY NA ITO: