
Tila tradisyon na para kay Lani Misalucha na umuwi ng bansa para gawin ang The Clash.
Limang taon na siyang parte ng Clash panel mula 2018 at muli niyang gagampanan ang pagiging hurado sa ikaanim na pagkakataon, kasama ang dalawa pa niyang kapwa hurado na sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista.
"Every single year excited po kaming bumabalik dito sa The Clash dahil every year makaka-witness po kami ng mga panibagong talents po, and we are really looking forward to hearing and watching all of our new Clashers na mag-perform po para sa 'min. So looking forward kung sino po ang ating magiging bagong champion ngayong 2024," bahagi ni Lani sa panayam ng GMANetwork.com noong plug shoot at pictorial ng The Clash 2024, ang bagong season ng Kapuso musical competition, noong August 15 sa GMA Studio 7.
Ilan sa mga naging produkto ng The Clash sina Golden Canedo, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel na nakilala dahil sa kanilang pagiging biritera kaya naman itinanghal silang grand champion sa iba't ibang season ng kompetisyon.
Sa limang taon niyang pagiging judge, marami nang narinig na singing styles si Lani. Kaya sa sixth season ng The Clash, gusto naman ng batikang singer na maiba ang timbre ng boses ng magiging winner na magmumula sa top 24 contestants.
"Ngayon gusto ko sana ng magpupukaw talaga ng puso ko na hindi niya kailangan magbirit. You know, just really normal singing but really would capture my spirit, my soul. Singing na malumanay lang. We'll see."
Samantala, tinanong din namin si Lani kung anong reaksyon niya sa tuwing napapanood niya sa telebisyon ang past Clashers.
Anya, "I'm really proud of them. Sana magpatuloy ang kanilang career dito sa GMA-7. Nakakatuwa na meron na silang mga followers na, merong mga supporters na so I'm just really proud of them na meron silang platform na All-Out Sundays. I really hope and pray na they would continue on with their career and mas mag-flourish pa at talagang mas dadami pa ang magiging fans nila."
Babalik din sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang Clash Masters sa ikaanim na season ng The Clash.
Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, simula September 14, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.
KILALANIN ANG MAGLALABAN-LABAN SA CLASH ARENA NGAYONG 2024: