
Ngayong March 7, 2024, ipinagdiriwang ni Leo Martinez ang kanyang 74th birthday.
Bago sumapit ang kanyang kaarawan, dumalo ang veteran actor sa isang event sa Lyceum of the Philippines University Manila. Naimbitahan siya sa nasabing Unibersidad bilang resource speaker.
Kamakailan lang, napanood si Leo sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Nakilala siya sa afternoon series bilang si Don Robert Tanyag na mas kilala ng marami bilang si Lolo Pepe.
Siya ang strict na ama nina Doc RJ at Giselle, ang mga karakter nina Richard Yap at Dina Bonnevie. Si Lolo Pepe ang lolo nina Doc Analyn, Doc Zoey, at Justine, ang role nina Jillian Ward, Kazel Kinouchi, at Klea Pineda sa serye.
Samantala sa isang vlog, matatandaang nagbigay ng pahayag si Leo tungkol sa kanyang anak sa late actress na si Cherie Gil.