GMA Logo Leo Martinez, Jillian Ward, Kazel Kinouchi
What's Hot

Leo Martinez, may tips para sa young actors

By EJ Chua
Published January 12, 2024 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026 fluvial procession brings the Sto. Niño from Mactan to Cebu
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Leo Martinez, Jillian Ward, Kazel Kinouchi


Leo Martinez tungkol sa pag-arte: "Lahat ng mga nararamdaman mo, dapat ilabas mo..."

Isa si Leo Martinez sa mga tinitingalang aktor sa Philippine entertainment industry.

Kamakailan lang, napanood si Leo sa vlog ng aktres na si Snooky Serna, kung saan nakasama rin nila si Gina Pareño.

Sa naturang vlog, may ibinahagi ng veteran actor ang kanyang payo para sa mga batang aktor ngayon.

Pahayag niya, “Acting is not thinking, it's feeling. Lagi mo dapat i-express ang lahat ng nararamdaman mo. Kasi 'yung hindi mo na-express na feeling, nagiging toxins sa katawan mo.”

Paalala pa niya, “Lahat ng mga nararamdaman mo, dapat ilabas mo…”

“We encourage the actors, don't think, express,” pahabol pa ni Leo.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktor matapos niyang magbigay ng pahayag tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa late actress na si Cherie Gil.

Panoorin ang kanyang naging pahayag sa video sa ibaba:

Samantala, kasalukuyang napapanood si Leo bilang si Lolo Pepe sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.