GMA Logo Lianne Valentin
What's on TV

Lianne Valentin sa 'Royal Blood' dinner scene mamaya: 'Sobrang magical n'ya nu'ng ginagawa namin'

By Aimee Anoc
Published June 21, 2023 2:45 PM PHT
Updated June 21, 2023 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


"'Yung dinner table scene na 'yun, talagang sobrang na-enjoy ko siyang gawin." - Lianne Valentin

Isa sa inaabangang eksena ngayong Miyerkules sa Royal Blood ay ang dinner table scene ng pamilyang Royales kung saan ipakikilala na ni Gustavo (Tirso Cruz III) si Napoy (Dingdong Dantes) sa half-siblings nitong sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin).

Teaser pa lamang ay talaga namang kaabang-abang na ang magaganap na eksena sa pagitan ng magkakapatid.

Kuwento ni Lianne, na-enjoy niyang gawin ang eksenang ito. Aniya, "Actually 'yung dinner table scene na 'yun talagang sobrang na-enjoy ko siyang gawin. Kapag nandoon ka mismo sa set na 'yun mapi-feel mo 'yung different energies ng bawat character.

"Sobrang magical and amazing n'ya nu'ng ginagawa namin. Sobrang happy po ako na I got to do like this, like teamwork talaga and collaborative work with each and everyone."

Ibinahagi rin ng aktres na hindi niya naramdamang baguhan siya kahit na batikan at kilalang mga aktor na ang kasama niya sa eksenang iyon.

"'Yun nga first time kong makatrabaho halos lahat pero hindi ko na-feel 'yung bago ako o newcomer ako. They welcome me with open arms. Talagang very professional, each and everyone. Naramdaman ko po 'yung tiwala nila sa akin," sabi ni Lianne.

Nagpapasalamat din ang aktres sa bagong challenging role na ito sa Royal Blood na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.

"Maraming nagsasabi na parang same lang siya with Stella, 'yun nga kasi parang kontrabida, laging galit, pero I can say it's very different from Stella. Kasi si Stella immature, bata, laging galit, go with the flow. Pero ito very opposite kasi rito may class siya, may pinag-aralan, and talagang kalkulado niya lahat ng ginagawa niya and very smart siya here.

"It's another challenge. This is a challenging role na naman na ibinigay po sa akin ng GMA and I'm very grateful kasi rito napu-fuel 'yung passion ko talaga. Sobrang gustong-gusto ko 'yung nakakaisip ako ng iba't ibang way to be creative sa isang character na ibinibigay po sa akin."

Sa Royal Blood, napapanood si Lianne bilang Beatrice, pangatlong anak ni Gustavo Royales at isa sa half-sisters ni Napoy.

Panoorin ang teaser ng dinner table scene na magaganap sa Royal Blood ngayong Miyerkules dito:

Subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: