GMA Logo Fonzi
Photo source: GMA Network
What's on TV

Linyahan ni Fonzi sa 'Apoy sa Dugo,' kinagiliwan

By Karen Juliane Crucillo
Published June 5, 2026 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: No validated intel that pro-Duterte groups would storm Malacañang on June 12
1-2-3: Summer's not over and get ready to Conga with the cast of 'On Your Feet!'
Kapuso ng Kalikasan Fair: GMA Network's Green Initiative Celebrates Sustainability and the Environment

Article Inside Page


Showbiz News

Fonzi


Patok na patok sa viewers ang mga nakaaaliw na linyahan ni Fonzi sa 'Apoy sa Dugo.'

Bukod sa matitinding eksenang hatid ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo, inaabangan din ng viewers ang mga hirit at linyahan ng content creator na si Fonzi sa serye.

Kilala bilang matalik na kaibigan ni Vanessa (Elle Villanueva), patuloy na nagbibigay-aliw si Fonzi sa mga manonood hanggang sa maging isa siya sa mga fan favorite na madalas pag-usapan online.

Sa isang episode kasama si Lorraine (Cai Cortez), naging emosyonal si Fonzi dahil hindi siya kinamusta matapos ang nangyari sa kanya.

Kinagiliwan naman ng viewers ang kanyang pag-arte at ang linyahang tumutukoy sa mga naging pahayag ni Sen. Pia Cayetano noong naging emosyonal ito sa Senado.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa nakaaaliw na linyahan ni Fonzi:

@gmanetwork Kumustahin n'yo naman kasi si friend! 🤣 #ApoySaDugo #KapusoFeels ♬ original sound - GMA Network

Abangan si Fonzi sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin ang content creator na si Fonzi sa gallery na ito.