GMA Logo Lito Pimentel
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Lito Pimentel, magiging bahagi na ng 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published June 11, 2025 4:11 PM PHT
Updated June 11, 2025 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Lito Pimentel


Isang importanteng karakter ang gagampanan ni Lito Pimentel sa 'Mommy Dearest.'

Magiging parte na ng hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest ang beteranong aktor na si Lito Pimentel!

Gagampanan ni Lito ang karakter ni Ador, ang asawa ni Ligaya na ginagampanan naman ni Amy Austria. Hindi rin magiging biro ang karakter na ito dahil bukod sa pagiging dating asawa ni Ligaya, siya rin ang ama nina Olive at Jade.

Meron ding matinding sikreto na tinatago si Ador na makakaapekto kay Jade.

Samantala, matatandaang nakakulong pa rin si Ligaya sa bahay ni Jade (Camille Prats) para pigilan ang pagsiwalat nito ng kanyang sikreto.

Ngunit sa episode ngayong Miyerkules, June 11, ay magse-seizure si Ligaya, dahilan para ilabas siya ni Jade at ipagamot.

Sa paglabas na ito ni Ligaya mula sa poder ni Jade, magkita na kaya sila muli ni Ador na matagal nang nahiwalay sa kanya at kanilang pamilya? At ano kaya ang koneksyon ni Ador sa kambal nilang anak na sina Jade at Olive pagdating sa mental condition ng huli?

Abangan si Lito Pimentel bilang si Ador sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

MULING KILALANIN ANG MGA KARAKTER NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: