
Ginawan ng iba't ibang meme ng netizens ang isang litrato ni
Benjamin Alves mula sa March 16 episode ng Owe My Love.
Gumaganap si Benjamin bilang si Doc Migs Alcancia sa nabanggit na Kapuso rom-com series.
Sa episode kahapon, ipinakita ang patuloy na paghahanap niya at ni Sensen (Lovi Poe) kay Lolo Badong (Leo Martinez).
Dahil nauubusan na rin sila ng ideya kung paano matagpuan ang kanyang lolo, lumapit na sila sa isang manghuhula. Desperado man siya sa paghahanap, hindi pa rin siya panatag sa kanilang ginawang pagkonsulta.
Mula sa eksenang ito ang litrato ni Benjamin na ginawan ng meme ng netizens.
At ang nagwagi sa entries:
Naitala rin sa episode kahapon ang pinakamataas na rating ng programa simula umere ito noong February 15.
Mahanap na kaya nila si Lolo Badong? Puwede nga bang pambayad utang ang pag-ibig? Alamin 'yan sa patuloy na panonood sa Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!
Kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: