GMA Logo Liza Soberano
What's on TV

Liza Soberano, inaming may tampo kay Ogie Diaz; sinabing nakatatanggap pa rin ng commission ang dating manager mula sa kanya

By Jimboy Napoles
Published March 14, 2023 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Soberano


Liza Soberano sa dating manager na si Ogie Diaz: “He should've talked to me kasi para namang wala kami pinagsamahan.”

Emosyonal na inamin ni Liza Soberano na may tampo siya sa kanyang dating manager at comedian na si Ogie Diaz dahil sa tila hindi nito pagsasabi ng totoo tungkol sa pagkuha nito ng commission at sa pagpapalit niya ng management.

Sa part two ng interview ni Boy Abunda kay Liza sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng TV host kung totoo ba ang unang napabalita na hindi na kumukuha ng commission si Ogie kay Liza sa nakalipas na dalawang taon.

Tanong ni Boy, “Nabasa ko rin na in the last two years, correct me if I'm wrong, ay hindi na kumukolekta ng commission si Tito Ogie mo. Is that right? Is that wrong?”

Sandaling natahimik si Liza at sinabing, “It's not right. That's incorrect.”

“So hindi totoo ang balitang ito?,” paglilinaw ni Boy.

Agad na umiling si Liza bago nagsalita. Aniya, “It actually hurts me that he is making up with lies about me because…”

Dito na nagsimulang mabalot ng emosyon ang aktres at maluha-luhang sumagot kay Boy.

Aniya, “I feel like he's trying to make it seem like I wasn't profitable in the past two years that we were working together when he knows the truth, he knows my pains, he knows the things that I felt were things that were mishandled.”

“So it's kind of unfair that he was... I feel like he was trying to tarnish my name,” dagdag pa ng aktres.

Ayon kay Liza, hindi totoong wala nang nakukuhang commission si Ogie sa kanya. Sa paglalahad ni Liza, hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng commission ang kanyang dating manager mula sa mga endorsement niya na nabuo pa bago matapos ang kanilang kontrata.

Kuwento niya kay Boy, “I don't want to bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine like that which still fell under the time that I was under contract with him even though he has no more obligations. We told them that he has no obligations towards me in those endorsements.”

“Literally last month, we gave him a paycheck for an endorsement that was renewed before our contract ended and kahit na wala na po siyang ginagawa for that, we gave his commission because that's what's right.”

“So that was the last time you paid commission to your Tito Ogie?” paglilinaw ni Boy.

“He is going to get another one this week,” sagot naman ni Liza.

“May tampo ka kay Tito Ogie?” muling tanong ni Boy.

“Ngayon po, opo,” maluha-luhang pag-amin ni Liza.

Ayon kay Liza maayos naman ang naging pag-uusap nila ni Ogie nang magpaalam siya na hindi na siya mag-re-renew ng kontrata at lilipat na siya ng management.

“Nagpaliwanag po ako ng maaayos five months before my contract ended with him. Natapos naman po 'yung kontrata namin nang tama, nang maayos, nang hindi po kami magkaaway, super nagkakaintindihan po kami,” saad ni Liza.

“Ang pagkakaintindi ko po suportado siya sa lahat ng gusto ko, ako rin naman po ganun towards him,” dagdag pa niya.

Pagbabahagi pa ng aktres, “Nung una natakot po ako sabihin sa kaniya kasi I didn't know kung paano niya ite-take 'yun pero 'yung response niya towards that message he was very good, he was very supportive and understanding.”

Dahil dito, nasasaktan si Liza at pakiramdam niya ay sinisiaraan siya ngayon ng dating manager.

“So I don't understand why he is choosing to fight me. It feels like he's trying to fight me or trying to ruin me. When I never said a single bad thing about him,” anang aktres.

Nang tanungin naman ni Boy kung ano ang mga hindi totoo sa mga sinabi ng dati niyang manager, ito ang kanyang naging sagot.

“Like for the past two years hindi po siya kumukuha ng commission? That just makes me look.. It makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakalaam kung ano ba 'yung nangyayari sa loob. Why is he trying to say things to make people turn against me?” ani Liza.

Dagdag pa ni Liza, nagkausap pa sila ni Ogie bago lumabas ang kanyang controversial vlog at concerned pa ito nang makitang burado na ang posts niya sa Instagram. Hindi rin niya inasahan na idadaan ng dating manager sa YouTube vlogs nito ang pagpuna sa kaniya.

“He should've talked to me kasi para namang wala kami pinagsamahan,” ani Liza.

“Parang hindi niya ako anak kahit anak 'yung tawag niya sa 'kin because he's treating me like everyone else in the industry,” dagdag pa ng aktres.

Sa ngayon ay hindi pa muling nag-uusap nang pribado sina Liza at Ogie.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.