GMA Logo Liza Soberano
What's on TV

Liza Soberano, inaming nasa 30% lamang ng kanyang talent fee ang nakukuha noon

By Jimboy Napoles
Published March 13, 2023 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Soberano


Liza Soberano sa natatanggap na talent fee noon: “I never complained kasi 'yun po ang nasa kontrata.”

Sa ikalawang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Liza Soberano sa programang Fast Talk with Boy Abunda sinabi ng aktres na nasa thirty percent lamang ng kanyang talent fee ang naiuuwi niya noon dahil sa mga commission ng kanyang managers.

Sa nasabing panayam, nilinaw ni Liza na hindi totoong nakakakuha ng nasa 40 percent commission ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz.

Aniya, “Nakita ko rin po 'yun sa Twitter like people were accusing Tito Ogie taking forty percent from me. I want to clarify na hindi rin po 'yun totoo.”

Matapos ito, naging bukas din si Liza sa totoong breakdown ng commission ng kanyang manager na si Ogie, kanyang tiyahin na si Joni, at ng Star Magic sa kanyang talent fee.

Kuwento ni Liza, “I started with him [Ogie Diaz] at 2012 and then up until year 2015 or 2016 which was when I was seventeen thirty percent po 'yung commission niya sa akin, my Tita Joni was taking twenty percent and Star Magic was taking ten percent.”

Ayon kay Liza nasa thirty percent na lamang ng kanyang talent fee ang talagang napupunta sa kanya dahil nagbabayad din siya ng tax sa Amerika bilang isang American citizen.

“I also pay US taxes alongside my Philippine taxes because I'm a US citizen and a Filipino citizen so my total take home was around thirty percent,” ani Liza.

Dahil maliit na porsyento na lamang ng talent fee ang napupunta kay Liza, minabuti ng kanyang Tita Joni na kausapin ang talent manager na si Ogie upang magkaroon ng re-arrangement sa kanilang commission.

“And so my Tita Joni was started feeling bad for me that that was the situation so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang 'yung commissions nila from me because they felt that I deserve more since I was putting in a lot of work.

"So eventually naging twenty percent na lang po si Tito Ogie, and si Tita Joni naging fifteen percent tapos 'yung bawas niya was after Tito Ogie would take his commission and Star Magic was still at ten percent pero ang Star Magic po hindi kumukuha ng commission if it's money coming from ABS-CBN so ang money po galing sa teleserye, sa movies, hindi po sila kumukuha ng commission its just from endorsements,” buong paglalahad ni Liza.

Dagdag pa ng aktres, “I never complained kasi 'yun po ang nasa kontrata.”

“And you felt it was fair?” tanong ni Boy.

“Yes,” sagot ni Liza.

Ibinahagi rin ni Liza na sa bago niyang management ngayon ay nakakakuha na siya ng nasa 80 porsyento ng talent fee.

“My only manager right now in the Philippines is Careless and they're taking the same amount that Tito Ogie was taking and I have no one else taking anything from me so my total take home now is eighty percent which I think is fair,” ani Liza.

Ayon sa aktres, totoong nakaramdam siya ng pagiging unfair noon dahil sa nakukuhang talent fee.

Sabi niya, “Before my original set up when I just taking home forty percent without minusing the taxes and everything, I honestly felt that it was a little unfair kaya napag-usapan 'yung bringing down the percentages because, yes, they were working from me marami rin pong ginagawa.”

Pagbabahagi pa ni Liza, naisa sana noon ng kanyang Tita Joni na ang talent manager na si Ogie muna ang bawasan dahil hindi naman umano ito sumasama sa taping at event ni Liza.

Aniya, “Si Tita Joni, she served as my RM [road manager] slash PA [production assistant] at that time so siya po talaga 'yung nag-a-assist po sa akin sa taping, sa lahat ng schedule ko kasama ko siya, and noong una ang gusto niyang mabawasan si Tito Ogie because hindi po siya pumupunta sa taping, hindi po siya pumupunta sa endorsement shoots, [but] he would booked the jobs for me.”

“He was negotiating,” singit ni Boy.

“He was negotiating so she felt it was fair for him to lessen his commissions but then they ultimately agreed na pareho na lang sila,” dagdag ni Liza.

“At napag-usapan ito ng mabuti?” muling tanong ni Boy.

“Napag-usapan po ng mabuti and that carried out from 2015 to present,” paglilinaw ni Liza.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.