
Kahit na single mom, masaya ngayong bumubuo ng panibagong alaala sa Amerika si LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio, 11, at Summer Ayana, 2.
Lumipad papuntang U.S. si LJ kasama ang dalawang anak matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis, na ama ni Summer.
Ayon kay LJ, sumasang-ayon siya sa kasabihang, "Motherhood is a full-time job with no pay, but great benefits." Ito ay dahil maswerte siyang naging ina nina Aki at Summer na itinuturing niyang pinakamagandang regalong natanggap.
"Just look at these kids! God's best gifts," sulat ni LJ.
Sa nakaraang Instagram posts, ibinahagi ng aktres na ang mga anak niyang sina Aki at Summer ang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanya para magpatuloy sa buhay. Gayundin, sila ang dahilan kung bakit patuloy siyang may ngiti sa araw-araw.
Habang nasa Amerika, tumutulong si LJ sa coffee shop na pagmamay-ari ng kanyang pamilya sa Brooklyn. Aktibo rin ang aktres sa pagiging isang modelo at endorser.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana: