
Mahigit anim na buwan na ngayong naninirahan sa United States si LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio, 11, at Summer Ayana, 3.
Ito ay matapos kumpirmahin ni LJ ang paghihiwalay nila ng longtime partner na si Paolo Contis, na ama ni Summer.
Ayon kay LJ, marami ang nagtatanong sa kanya kung kumusta na ang buhay nila sa Amerika. Para masagot ang katanungang ito, isang life update ang ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang vlog.
"'Kumusta ka?' Ito na yata ang lagi kong naririnig na tanong sa lumipas na anim na buwan. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta n'yo sa akin at sa mga anak ko kaya naman gusto kong ibahagi sa inyo kung gaano kaganda ang buhay sa mga nakaraang buwan," sulat ni LJ.
Sa vlog, mapapanood ang masasayang bonding moments ni LJ kasama sina Aki at Summer. Ibinahagi rin ng aktres ang pag-aaral ni Summer at ang unang Thanksgiving nila sa Amerika.
Bago matapos ang pagbabahagi niya ng simpleng buhay, sinabi ni LJ, "Kaya ko dahil kayo ang lakas ko."
Panoorin ang kasalukuyang buhay ni LJ Reyes sa Amerika kasama sina Aki at Summer, dito:
Samantala, tingnan ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama sina Ethan Akio at Summer Ayana sa gallery na ito: