What's Hot

Lolit Solis, ibinahagi kung bakit mas macho raw ngayon sina Dingdong Dantes, Hayden Kho at Vic Sotto

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 14, 2018 1:35 PM PHT
Updated November 14, 2018 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung bakit nasabi ni Lolit Solis na mas macho na ngayon ang celebrity dads na sina Dingdong Dantes, Hayden Kho at Vic Sotto.

Nagpaabot ng paghanga ang beteranong showbiz writer at talent manager na si Lolit Solis sa mga celebrity dads na sina Dingdong Dantes, Hayden Kho at Vic Sotto sa isang Instagram post.

Ayon kay Lolit, mas macho na tingnan ang mga lalaking karga-karga at hinehele ang kanilang mga anak.

“Ang cute tingnan nila Dingdong Dantes, Dr. Hayden Kho, at Bossing Vic Sotto na karga-karga, hele-hele, at pinapadudo sila Zia, Scarlet at Talitha. Talagang iba na [ang] panahon, mas macho tingnan ang mga lalaki na may anak at alagang-alaga nila,” ani Lolit.

READ: Lolit Solis, may napansin na pagbabago kay Dingdong Dantes

Ito rin ang nagustuhan niya sa pagbabago ng parenting style dahil noong araw ay ang mga nanay lang ang makikitang nag-aalaga, nagpapadede, nagpapakain at nakikipaglaro sa mga anak.

“Nung araw bihira ang mga lalaki na makikita mo na nagkakarga ng anak nila o may dala ng milking bottle. Common na makikita mo [ay] mga nanay na nag-aalaga ng anak, nagpapadede, nagpapakain at nakikipaglaro,” dagdag niya.

“Heart warming at very sweet talagang tingnan. Ang cute nila habang nasa dibdib nila iyon babies na para bang safe na safe sa arms ng mga daddy nila.”

One thing na nagustuhan ko talaga sa panahon na ito Salve iyon mga nakita ko na pagbabago sa parenting. Common na makita mo mga nanay na nag-aalaga ng anak, nagpapadede, nagpapakain, nakikipaglaro. Nung araw bihira ang mga lalaki na makikita mo na nagkakarga ng anak nila o may dala ng milking bottle. Pero now, ang cute tingnan nila Dingdong Dantes, Dr. Hayden Kho at Bossing Vic Sotto na karga-karga, hele hele at pinapadudo sila Zia, Scarlet at Talitha. Heart warming at very sweet talagang tingnan. Ang cute nila habang nasa dibdib nila iyon babies na para bang safe na safe sa arms ng mga daddy nila. Talagang iba na panahon, mas macho tingnan ang mga lalaki na may anak at alagang-alaga nila. At ipinapakitang mga princess nila talaga. Salute to men na tulad nila Dingdong, Hayden at Bossing Vic. Their babies are trophy to them, precious gems. #lolitkulit #instatalk #71naako ❤️

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


READ: Lolit Solis, saludo sa tatag ni Cesar Montano