
Maraming netizen ang nakapansin sa kakaibang ganda at saya ni LJ Reyes ngayong nasa New York.
Sa Instagram, ibinahagi ni LJ ang mga larawang kuha sa loob ng coffee shop na pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya sa Brooklyn, New York.
Isang Bible verse mula sa libro ng Mga Awit ang ginawang caption ni LJ sa kanyang post.
"Be still and know that I am God!" sulat nito.
Dagdag pa niya, "How has entrusting and surrendering everything to God changed your life? It's an everyday commitment but the peace that we get in God's loving arms is like no other. I am still Father and I know that you are God!"
Ilan sa nagpaabot ng paghanga kay LJ ay si @mylesdecena at sinabing, "Ganda ng ngiti, kaka-in love."
"You're blooming," dagdag naman ni @hellomisskris.
"So pretty, favorite verse ko 'yan," sabi ni @rosalnefalar.
"Stunning idol," sulat ni @jai_amiladjidg.
"Love to see you happy. Keep it up! God bless," pagbabahagi ni @isme_rha.
Kasalukuyang nasa U.S. si LJ kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio, 11, at Summer Ayana, 2, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang masayang sandali ni LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan at Summer: