GMA Logo Michael V's family
What's on TV

LOOK: Michael V., may shoutout sa "dependable crew" niya sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published November 24, 2020 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Fajardo resigns from ICI
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V's family


Michael V.: “It's a small crew but we get the job done and best of all, hugs and kisses lang ang talent fee.”

Nakakawala ng pagod para sa seasoned comedian na si Michael V. sa tuwing nagti-taping siya para sa hit sitcom na Pepito Manaloto Kuwento Kuwento na naka-suporta ang buo niyang pamilya.

At literal na kasama ni Direk Bitoy ang kanyang mga anak sa tuwing may kukunan na eksena sa award-winning show.

Sa Instagram post kamakailan ng mahusay na comedian, may special shoutout siya sa kanyang mga anak na sina Brianna at Milo na tinawag niyang “dependable crew.”

Wika niya, “THAT'S A WRAP!

“Hindi madali mag-shoot from home ng #PepitoManaloto. Buti na lang I have a very dependable crew! It's a small crew but we get the job done and best of all, hugs and kisses lang ang talent fee.”

Isang post na ibinahagi ni Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Umani ng libong likes ang Instagram post ni Michael V. at kahit ang mga co-actors niya sa Pepito Manaloto ay natuwa sa pagiging matulungin ng mga anak nito.

Photos taken from Michael V s Instagram account

Photos taken from Michael V s Instagram account

Matatandaan na lumabas sa isang episode noong Setyembre ng Pepito Manaloto ang misis ni Bitoy na si Carol Bunagan.

Tumatayong din siyang manager ng asawa at executive producer ng kanilang production company na Mic Test Entertainment.

Nagkaroon din siya ng guesting kamakailan sa longest-running gag show na Bubble Gang at pati din ang kanilang anak na si Brianna Bunagan.

Related content:

Anu-ano ang exciting new changes sa 'Pepito Manaloto Kuwento Kuwento'?

Maureen Larrazabal, sinabing may paghihigpit sa pababalik-taping ng 'Pepito Manaloto'

Tony Lopena, ipinasilip ang "new normal" sa taping ng 'Pepito Manaloto'