GMA Logo Lorna Tolentino, Rudy Fernandez
Source: lornatolentinofernandez (Instagram), PEP.ph
What's on TV

Lorna Tolentino, iginiit na hindi ampon ang yumaong asawa na si Rudy Fernandez

By Jimboy Napoles
Published March 22, 2023 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Are stars born or made? Vina Morales, Tessie Tomas weigh in
'Star Wars: The Mandalorian and Grogu' to hit Philippine theaters on May 20
Over 200 families evacuated; bridge collapses due to flooding in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Lorna Tolentino, Rudy Fernandez


Iginiit ni Lorna Tolentino na hindi inampon ang kaniyang yumaong asawa na si Rudy Fernandez.

Nagpaabot ng mensahe sa Fast Talk with Boy Abunda ang batikang aktres na si Lorna Tolentino tungkol sa lumabas na isyu na sinasabing ampon ang dating action star at kaniyang yumaong asawa na si Rudy Fernandez o mas kilala ng publiko bilang si Daboy.

Nagsimula ang isyu na ito sa panayam ng Brigada News FM Butuan sa 85-taong gulang na si Teodola Galacio mula sa Cotobato. Ayon kay Teodola, bunsong kapatid nila si Rudy at ipinaampon ito ng kaniyang mga magulang dahil sa hirap ng buhay.

Sa segment naman na “Today's Talk” ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita ng TV host na si Boy Abunda ang naging sagot ni Lorna tungkol sa naturang isyu.

Ayon kay Lorna, hindi totoo ang claim ni Teodola at kumpleto ang kanilang papeles na magpapatunay na hindi inampon ang namayapang action star.

“Nakakahiya naman na sagutin pa si lola na lahat ng legal documents ay meron si Daboy. Proof na talagang Padilla-Fernandez at baby pictures. Ate Merle is kuya Rudy's eldest sister,” saad ni Lorna sa ipinadalang mensahe sa FTWBA.

Matatandaan na June 7, 2008, sa edad na 56 ay binawian ng buhay ang sikat na action superstar na si Rudy.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA ADOPTED SA GALLERY NA ITO: