
Mapapanood na mamaya ang pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars, kung saan tampok ang tatlong kuwento ng pag-ibig na nababalot ng sikreto at kasinungalingan.
Pagbibidahan ang seryeng ito nina Optimum Star Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin. Makakasama rin nila sa serye sina Marnie Lapuz at Dj JhaiHo.
Makikilala si Claudine bilang Via Laurente, CEO ng isang malaking real estate company na magkakaroon ng relasyon sa kanyang staff na si Caloy Marasigan (Yasser Marta). Lubos na maaapektuhan sa relasyong ito ang TOTGA ni Caloy na si Nika Aquino (Shaira Diaz).
Mapapanood si Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso, isang medical sales representative. Papasukin niya ang isang sikretong relasyon kay Ronnie (Polo Ravales), isang cardiologist. Paano kung madiskubre niyang nagkaroon siya ng anak sa ex-girlfriend na si Andrea (Michelle Vito)?
Gaganap si Lianne Valentin bilang Hannah Salalac, bread winner ng kanyang pamilya. Dating walker na ngayon ay babae na ng mayamang businessman na si Victor Tamayo (Christian Vasquez). Iibig si Hannah kay Kelvin Chong (Kimson Tan), na nangakong bibigyan siya ng magandang buhay.
Panoorin ang trailer ng Lovers/Liars sa video na ito:
Huwag palampasin ang world premiere ng Lovers/Liars ngayong November 20. 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG LOVERS/LIARS SA GALLERY NA ITO: