
Inumpisahan na ni Unang Hirit host at Eat Bulaga dabarkad Luane Dy ang pagbe-breastfeed sa kanyang firstborn na si Jose Christiano.
Sa Instagram, ipinakita ng newbie mom ang pagbe-breastfeed niya at ang kaligayahang ibinibigay nito sa kaniya.
Aniya, “First 40 days #xpiotos #gonzigang”
Noong June 1, ibinahagi rin ni Luane ang isang litrato ng kanyang baby boy na natutulog nang mapayapa sa kaniyang crib.
Kuwento ni Luane, “As a first-time mom, I cannot be more at ease dung sleep time knowing that my son has his own space readily accessible to me whenever needed.”
Inanunsyo nina Luane Dy at Carlo Gonzalez ang pagdating ni Baby Jose Christiano Gonzalez noong May 2, 2020 gamit ang isang Instagram post.
Sambit ng Unang Hirit host, “Buong buhay kong pagmamahal sayo'y ipadarama. Masuklian lamang sa aki'y tunay mong halaga.
"Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita.”
Luane Dy and Carlo Gonzalez share significance of baby's name
Carlo Gonzalez shares glimpses of his baby boy with Luane Dy