
Buwis-buhay ang mga litratong ipinakita ni Unang Hirit host Lyn Ching sa kanyang Instagram post kahapon, May 13.
Sa kanyang post, ipinagmalaki ni Lyn ang kanyang bagong hobby habang nasa enhanced community quarantine.
Aniya, “For some reason whenever I wear this shirt, namimingwit ako ng mangga sa puno ng aming mabait na kapitbahay. Pero in fairness, success!
“I sustained an injury (paltos) and my muscles are sore (yehey! Exercise for the day) pero at least maraming nakuhang bunga na sayang lang kung babagsak sa wala 'di ba?
“So let me enjoy this simple victory that brings me back to my youth… ay teka, wala nga palang puno sa lugar na kinalakihan ko… so let me change that… ehem… that [let] me enjoy provincial feels.
“Sometimes the simplest things bring the utmost moments of joy. Ang sarap ng feeling that I achieved something today, 7 kilos worth of happiness.”
Sa comments section, makikita na nanghihingi ng ani si GMA News reporter Oscar Oida.
Paanyaya ni Lyn, “Next time, sabayan mo ako para mas maraming makuha,” na tinanggap naman ng buong-buo ni Oscar.
Komento ni Oscar Oida sa post ni Lyn Ching / Source: @lynching7 (IG)
Habang ang ilang fans, nainggit sa mga bungang naani ng Unang Hirit host.
Sambit ng isang netizen, “Ang sarap sa bagoong [niyan]. Nakakalaway, idol.”
Mga puna ng netizens sa mangga post ni Lyn Ching / Source: @lynching7 (IG)
Lyn Ching gives son a home haircut
Lyn Ching mourns the death of 'Slumdog Millionaire' actor Irrfan Khan