GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

Mabigat na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa 'Apoy sa Langit,' pinuri ng mga manonood

By Maine Aquino
Published August 31, 2022 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Michelle Dee interested in auditioning to become a Victoria's Secret Angel?
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Nitong August 30, isang mabigat na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin bilang Cesar at Stella ang muling tinutukan sa 'Apoy sa Langit.'

Muling tinutukan ang mabigat na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa Apoy sa Langit.

Nitong August 30 ipinakita sa GMA Afternoon Prime drama na muling sinaktan ni Cesar (Zoren) si Stella (Lianne) dahil sa hindi niya mabigay ang hinihinging pera.

Ayon sa mga netizens, kitang kita ang husay at dedikasyon ng dalawa sa pagganap sa eksena. Marami ring nadala sa emosyonal na tagpong ito.

Saad ng isang netizen, "Galing talaga ni Stella at Cesar. The best."

Komento ng isang netizen sa YouTube, "Magaling na actor talaga si Zoren idol."

Mula sa pagkainis kay Stella, marami namang naaawa na sa karakter na ginagampanan ni Lianne.

"Naawa ako Kay stella bulag lang siya sa pag-ibig."


Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng highest-rating afternoon drama of 2022 at number one program on GMA Network's YouTube channel na Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

SAMANTALA, BALIKAN ANG IBA PANG MGA MAHUHUSAY NA CAST NG APOY SA LANGIT: