
Kaabang-abang ang mga eksena sa bagong nagpapakilig tuwing gabi, ang action-drama series na Maging Sino Ka Man, na pinagbibidahan ng breakout love team nina Barbie Forteza at David Licauco.
Sa mga nakaraang episode ng special limited series ngayong linggo, tila aso't pusa kung mag-away sina Dino (Barbie), disguise ni Monique, at Carding (David Licauco).
Muntik pa ngang mapalayas si Dino mula sa bahay nila Carding pero lumambot din ang puso ng huli matapos gamutin ni Dino ang sugat ng binata sanhi ng tama ng baril.
Habang tulog si Carding matapos gamutin ni Dino, niyakap niya ang dalaga. Hanggang paggising, magkayakap pa rin ang dalawa na ikinagulat nina Libag (Mikoy Morales) at Betty (Faith da Silva) kaya tingin nila ay bakla si Dino.
Pinangaralan din ni Dino si Carding tungkol sa pagpapalaki sa mga ampon nitong bata matapos lumayas ni Kulot (TG Daylusan) at magnakaw.
Samantala, hindi man aminin, nagselos si Dino nang kumuha ng babae si Carding at itinable nang mag-inuman sila sa isang bar. Muli na namang pina-realize ni Dino kay Carding ang mali nitong ginawa bilang pagrespeto sa mga kababaihan.
Magkasundo pa kaya sina Dino at Carding?
Patuloy na subaybayan ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA: