
Hindi pa man pinapalabas sa telebisyon ang GMA adaptation ng Maging Sino Ka Man, usap-usapan na agad ito sa social media.
Ito ay dahil sa karisma at chemistry nina Barbie Forteza at David Licauco, na mga bida sa reimagined version ng sikat na pelikula na ipinalabas noong '90s.
Sa katunayan, one million times ginamit ang #MagingSinoKaManGMA sa trendy app na TikTok.
Ilang lamang sa posts na ginamitan ng #MagingSinoKaManGMA ay videos ng BarDa mula sa surprise birthday greeting ni David kay Barbie, snippets ng Kapuso breakthrough love team sa pictorial ng Maging Sino Ka Man, at sneak peek ng kanilang kilig scenes sa highly-anticipated GMA action-romance series.
Abot-abot naman ang pasasalamat ng BarDa sa kanilang fans na patuloy na nagpapa-trending sa kanilang tambalan.
"We're both very thankful dahil obviously ang dami nang nag-aabang sa Maging Sino Ka Man. Siguro mix of, ano yan, BarDa fans and 'yung mga original fans ng Maging Sino Ka Man so we're both very excited na mapanood s'ya ng ating mga Kapuso," bahagi ni Barbie sa panayam ng GMANetwork.com sa contract signing event ng bagong endorsement nila ni David noong Sabado, August 12.
Kabilang din sa cast ng TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Rain Matienzo, at si Cinemalaya 2023 Best Actor Mikoy Morales.
Mapapanood din dito ang mga batikang artista na sina ER Ejercito, Jeric Raval, at Jean Garcia.