GMA Logo maine mendoza
Image Source: mainedcm (Instagram)
What's Hot

Maine Mendoza, may ikinuwentong karanasan sa AlDub fans

By Jimboy Napoles
Published November 4, 2022 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

maine mendoza


Maine Mendoza: "Umabot na lang ako sa point na nakakapagod na mag-explain."

Nakakuha ng pagkakataon ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza para magsalita tungkol sa umano'y pagiging mag-asawa at pagkakaroon nila ng anak ng kanyang kaibigan at dating on-screen partner na si Alden Richards.

Sa interview ng celebrity vlogger na si Ogie Diaz nitong Huwebes, November 3, tinanong niya si Maine tungkol sa pagiging totoo nito sa kanyang fans, lalo na sa mga taga-suporta ng tambalan nila ni Alden o mas kilala bilang AlDub Nation.

"Ngayon ba si Maine, napaunawa na ba sa mga AlDub fans na, 'Si Alden, magkaibigan kami, screen partners lang kami, love team lang kami dahil ito 'yung gusto niyo pero iba pa rin ang personal naming [gusto]," ani Ogie kay Maine.

Sagot ng Daddy's Gurl actress, "Marami naman pong nakatanggap, Mama Ogs. 'Yung iba, nag-stop na mag-support which is totally okay lang din naman. Pero meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin do'n."

Sa tanong na ito, nakakuha ng pagkakataon ang TV host-actress na muling igiit na wala silang relasyon ni Alden at walang katotohanan ang balitang pagkakaroon nila ng anak.

Aniya, "'Yung kasi iba kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. So, 'yon 'yung hindi ko rin ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po rin talaga nilang maniwala."

Kuwento pa ni Maine, minsan ay siya na rin mismo ang sumasagot sa fans upang ipaintindi ang tunay na estado nila ni Alden.

"Marami na po akong mga tao na dinirect message sa Twitter to tell them na wala pong katotohanan, as in ako na po personally nagri-reach out sa kanila, not through other people, ako na iyong nagme-message. Pero Mama Ogs, ang reply pa rin nila sakin, 'Hindi si Maine iyan, admin iyan ng account ni Maine.'

"Umabot na lang ako sa point na nakakapagod na mag-explain. I don't think there's something I can do para sa mga taong ito," pagbabahagi ni Maine.

Matatandaan na itinuring na worldwide phenomenon ang tambalan nina Maine at Alden bilang AlDub taong 2015 dahil sa dami ng kanilang fans sa loob at labas ng bansa. Ang tambalang ito ay nagsimula sa segment na "Kalyeserye" sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Matapos ang mahigit pitong taon, nagkaroon na ng bagong on-screen partners ang dalawa at magkahiwalay na ring gumagawa ng iba't ibang proyekto para sa kanilang showbiz careers.

Engaged na rin ngayon si Maine sa aktor na si Arjo Atayde, habang abala pa rin si Alden sa sunod-sunod na dating sa kanya ng mga proyekto. Kasalukuyang napapanood si Maine sa weekly comedy show na Daddy's Gurl; samantalang si Alden ay bida GMA Primetime series na Start-Up Ph, kung saan leading lady niya si Bea Alonzo.

SILIPIN ANG ICONIC FASHION MOMENTS NI MAINE MENDOZA SA GALLERY NA ITO: