
May pa-tease si Zephanie sa dapat na abangan ng manonood sa exciting na kuwento ng MAKA Season 2.
Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras kasama ang iba pang cast ng MAKA, sinabi ni Zephanie na mayroong mararanasan ang cast sa season 2 na hindi pa nila na-experience sa season 1.
"Hindi, kasi ang hirap mag-spoiler," sabi ni Zephanie. "Siguro malalaman n'yo sa mga susunod na araw, guys.
"Pero, ito actually excited tayo rito kasi syempre hindi nga natin na-experience 'to. Pero ito 'yung experience na usual na inaabangan mo as a high school student."
Noong Sabado (February 8), napanood na ang ikalawang episode ng MAKA Season 2 kung saan mas nakilala ang bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.
Nalaman na rin kung bakit lumayo si Livvy (Olive May) kina Zeph (Zephanie), Ashley (Ashley Sarmiento), Marco (Marco Masa), at JC (John Clifford).
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang episode 2 ng MAKA Season 2 sa video na ito: