GMA Logo Romnick Sarmenta and Zephanie
What's on TV

'MAKA' pilot episode, panalo sa ratings!

By Aimee Anoc
Published September 24, 2024 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Romnick Sarmenta and Zephanie


Humataw sa ratings ang unang episode ng Gen Z series na 'MAKA.' Salamat, mga Kapuso!

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pinakabagong youth-oriented show ng GMA Public Affairs, ang MAKA, na napanood noong Sabado, September 21.

Unang episode pa lamang ay panalo na agad sa rating kung saan nakapagtala ito ng 6.6 percent, higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa, base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."

Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.

Sa unang episode ng MAKA, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts na nanganganib nang ipasara ang kanilang eskuwelahan at ang tanging pag-asa na lamang nila para manatiling bukas ito ay ang manalo ang paaralan sa upcoming Regional Drama School Competition.

Tanggapin kaya ng award-winning playright at art theather director na si Sir V o Victor Felipe (Romnick) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?

Abangan ang Gen Z series na MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang unang episode ng MAKA sa video na ito: