GMA Logo MAKA Season 2 episode 11 earns millions of views
What's on TV

'MAKA Season 2' episode 11 earns 10 million views in less than 24 hours

By Aimee Anoc
Published April 14, 2025 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paghinabuyanay sang bato sang kalalakihan sa Pavia, Iloilo, nakuhaan sang video| One Western Visayas
DOF’s Go woos US private sector to support PH economic reforms
Respect Starts Young: This rural bank honors values-driven students nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2 episode 11 earns millions of views


Mga Kapuso, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa MAKA barkada!

Kasing intense ng ikalabing-isang episode ng MAKA Season 2 ang naramdamang suporta mula sa manonood, kung saan agad itong nakakuha ng mahigit 10 million views sa GMA social media platforms sa loob lamang ng isang araw.

Sa MAKA Season 2 episode 11 na napanood noong Sabado (April 12), binigyang spotlight ang MAKA barkada na si Ashley (Ashley Sarmiento) na muntik nang malagay sa peligro ang buhay dahil sa kanyang stalker na si Tonio, na ginampanan ni Rodjun Cruz.

Napanood din sa episode 11 ang Sparkle actress na si Thea Tolentino, na gumanap na desperadang girlfriend ni Tonio.

Sa kabila ng mga mabibigat na eksena nina Ashley, Rodjun, at Thea, sa huli ay nagbigay kilig sa manonood sina Ashley at Marco, kung saan sinalubong ni Marco ng isang matamis na "I love you" si Ashley nang matagpuan at makaligtas ang huli mula sa kanyang stalker.

Panoorin ang MAKA Season 2 episode 11 sa video na ito:

Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CHILDHOOD PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: