GMA Logo MAKA stars
What's on TV

'MAKA' season 2 stars, mainit na sinalubong ng fans sa mall show

By Aimee Anoc
Published February 10, 2025 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hong Kong fire victims scour scorched homes for keepsakes
One Mindanao: April 20, 2026 | Livestream
Ticket prices for Charlie Puth's concert in Manila have been announced

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA stars


Nakisaya ang 'MAKA' stars sa naganap na Kapuso Chill Fest sa Trinoma Activity Center, kasama ang 'Lolong: Bayani ng Bayan' at My Ilonggo Girl' cast.

Kabilang ang cast ng MAKA season 2 sa Kapuso stars na nakisaya sa Kapuso Chill Fest noong Linggo (February 9) sa Trinoma Activity Center.

Mainit na sinalubong ng kanilang fans ang MAKA stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, Olive May, Chanty, Shan Vesagas, Josh Ford, at May Ann Basa.

Ipinerform ni Zephanie ang kantang inawit niya sa season 1 ng MAKA, ang "Patuloy Ang Pangarap," na nakatanggap ng palakpakan at hiyawan mula sa fans.

Sinayaw rin ng cast sa mall show ang "APT," na collaboration track ng BLACKPINK member na si Rose at Filipino-American singer na si Bruno Mars.

Nakipagkulitan din ang MAKA stars sa kanilang fans kung saan nakasama nila itong gumawa ng TikTok challenge sa stage.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG 'MAKA' SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: