GMA Logo MAKA Season 2 episode 2
What's on TV

MAKA Season 2: Zephanie at Josh, magde-date; Marco, pinagseselosan si Bryce

By Aimee Anoc
Published February 7, 2025 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2 episode 2


Panoorin ang teaser ng episode 2 ng 'MAKA' season 2 dito.

Ngayong Sabado (February 8) sa ikalawang episode ng MAKA season 2, unti-unti nang makikilala ang mga bagong karakter.

Una na rito si Elijah Rodente, na ginagampanan ni Elijah Alejo, ang queen bee ng MacArthur Academy at anak ng CEO ng Rodente Talent Agency na kumuha kay Zeph (Zephanie).

Tila muling ipapahamak ni Elijah si Zeph sa pagpunta nito sa kanilang bahay.

Sa eskuwelahan, gusto nang makipag-ayos ni Josh Taylor (Josh Ford) kay Zeph kaya naman niyaya niya itong kumain sa isang coffee shop. Date na nga ba ito o lokohan lang?

Binalaan naman ni Shan (Shan Vesagas) sina Elijah at Josh sa pambu-bully na ginagawa nila kay Zeph.

Samantala, tila nagseselos si Marco (Marco Masa) sa pagiging malapit ni Ashley (Ashley Sarmiento) kay Bryce Hernandez (Bryce Eusebio).

Abangan 'yan ngayong Sabado, February 8, 4:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang trailer ng ikalawang episode ng MAKA season 2 sa video na ito:

TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: