GMA Logo elle villanueva, derrick monasterio
What's on TV

'Makiling' teasers, inintriga ang netizens; may 1 million views na!

By Jimboy Napoles
Published December 23, 2023 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva, derrick monasterio


Pumalo na ng mahigit 1 million views ang teasers ng Makiling sa social media.

Sunod-sunod ang naging pasabog ng upcoming mystery revenge drama ng 2024 na Makiling dahil sa kanilang pangmalakasang teasers na inilabas ngayong linggo.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit isang milyon ang video views ng naturang teasers na umintriga sa maraming netizens.

Kabilang na rito ang pagpapakilala sa mga karakter ng mga bida ng serye na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio bilang sina Amira at Alex.

Ipinasilip na rin ang magiging ganap ng dalawa pang Kapuso stars na sina Thea Tolentino at Kristoffer Martin bilang sina Rose at Seb.

Matatandaan na napaisip at napataas ng kilay ang netizens sa mahiwagang bulaklak na napanood nila sa unang inilabas na teaser ng Makiling.

“OMG anong meron sa bulaklak at kay Maria Makiling? Kaabang-abang,” komento ng isang netizen sa naturang teaser.

Kumapit dahil marami pang dapat abangan sa Makiling - ang unang salvong serye ng GMA Public Affairs sa 2024.

Mapapanood ang Makiling simula January 8, sa GMA Afternoon Prime.