GMA Logo Rabiya Mateo, Elle Villanueva, Derrick Monasterio
What's on TV

'Makiling' week 4 trailer, nakakuha ng 1M views in less than 24 hours

By Jimboy Napoles
Published January 29, 2024 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo, Elle Villanueva, Derrick Monasterio


Invested na ba ang lahat sa nakakagigil na kuwento ng 'Makiling'?

Talagang invested na rin ang maraming netizens sa bagong pambansang revenge drama ng mga Pilipino - ang Makiling.

Tumabo kasi ng mahigit sa 1 million views ang week 4 trailer ng serye sa loob lamang ng 24 oras.

Tampok sa nasabing trailer ang mga matitinding eksena na dapat abangan sa programa kung saan mas isasagad pa ang pagpapahirap sa karakter ni Elle Villanueva na si Amira.

Ipinasilip na rin dito ang unang pagganti ni Amira sa grupo ng mga umaapi sa kanya, ang mga nuknukan ng sama na Crazy 5.

Sa comments section ng teaser, mababasa ang mga gigil na gigil na komento ng netizens sa Crazy 5 at ang kanilang todong pag-cheer sa kanilang spirit animal na si Amira.

“Buti nga sa mga bruha na yan nang matikman nila ang lupit ng api. Pa'no ba naman kasi ang sasama ng ugali. Grabe ba nakakaloka e. Pero galing nila umarte lahat,” comment ng isang affected na affected na netizen.

“Naaawa ako kay Amira....tapos si Portia napakasama ng ugali. Pero ang inaantay ko ang paghihiganti ni Amira,” saad pa ng isang avid viewer ng Makiling.

Pinuri pa ng mga manonood ang kakaibang storytelling ng Makiling na talagang nagpa-hooked sa kanila.

“Apakahusay! Ambilis ng pacing ng story and maganda takbo ng storya,” anang isang netizen.

“Paganda nang paganda ang episode. Napaka-exciting,” dagdag pa ng isang Kapuso.

“Wow intense. Ito hinihintay ko e. Everyday inaabangan ko talaga 'to sa TV pampalipas oras ko,” komento pa ng isang manonood.

Biyernes, January 27, nang ilabas ang nasabing teaser para sa week 4 ng Makiling. Sa ngayon ay mayroon na rin itong 2 million views.

Ang Makiling ay pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, kasama sina Thea Tolentino, Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Kabilang sa cast ang mga batikan at award-winning actors na sina Mon Confiado, Andrea Del Rosario, Cris Villanueva, Richard Quan, Bernadette Allison, Lui Manansanala, at Lotlot De Leon.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.