GMA Logo Makiling, Elle Villanueva, Derrick Monasterio
What's on TV

'Makiling,' patuloy sa pagtaas ang ratings!

By Jimboy Napoles
Published January 25, 2024 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling, Elle Villanueva, Derrick Monasterio


Patuloy na pinanggigigilan ang bagong 4PM habit ng mga Kapuso - ang 'Makiling'!

Patuloy ang pagtaas ng ratings ng mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Matapos makakuha ng 6.5 TV ratings sa pilot week nito, umakyat ng 7.6 ang ratings ng programa kahapon, January 24, base sa inilabas na preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.


Sa linggong ito, napanood ang matitinding bardagulan sa pagitan ng karakter ni Elle na si Amira at ng “Crazy 5” na sina Portia (Myrtle Sarrosa), Seb (Kristoffer Martin), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).

Kabilang sa nakakagigil na eksena ay ang panlulunod nina Portia at Maxine kay Amira sa drum at ang paglalagay nila sa kamay ni Amira sa blender.

Kumapit lang dahil marami pang mga maiinit na tagpo ang paparating na tiyak na panggigigilan mo.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Makiling cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye