GMA Logo Lolong Dakila selfie wall
What's on TV

Makipag-selfie kay Dakila sa 'Lolong' selfie wall

By Marah Ruiz
Published August 15, 2022 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Democrats will try, and try again, to rein in Trump's Iran war powers
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong Dakila selfie wall


Maaari nang makipag-selfie kay Dakila ng 'Lolong.' Alamin kung saan matatagpuan ang selfie wall na ito rito.

Hindi natatapos ang iba't ibang sorpresa ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Naghanda ang team na bumubuo ng Lolong ng isang selfie wall kung saan maaari kang kumuha ng litrato kasama ang buwayang si Dakila.

Ang unang stop nito ay sa RAVE Rainforest Adventure Experience sa Pasig City nitong nakaraang weekend.

Lubos naman itong kinagiliwan ng mga bisita.

Game na game din na nagpa-picture ang ilang mga bata kasama si Dakila.

Nakatakda namang lumibot ang selfie wall na ito sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Bahagi ito ng serye ng mga sorpresa ng programang Lolong para sa mga masusugid na manonood bilang pasasalamat sa patuloy na suporta sa show.

Samantala, ngayong gabi, August 15, magsisimula ang bagong yugto ng Lolong.

Puputok ang isang dambuhalang digmaan sa pagbabalik na ang mga Atubaw sa Tumahan.

Isang buhay rin ang manganganib, habang isang malaking desisyon naman ang nakasalalay kay Lolong.

Patuloy na tumutok sa bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.