
Bilang pasasalamat sa solid na suporta ng marami nitong tagasubaybay, isang biggest LUV event ang inihanda ng Luv Is: Caught in His Arms sa kanilang first-ever 'Luv Is: Caught In His Arms Grand Fans Day' na gaganapin ngayong Biyernes, February 24, 5:00 p.m. sa Liwasang Aurora Amphitheater Quezon Memorial Circle.
Kumpletong makikisaya sa nasabing event ang buong cast ng serye na pinangungunahan ng lead stars nito na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Magpapasaya rin ng fans ang gumaganap na Ferell cousins na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Present din dito ang Sparkle stars na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.
Bukod sa exciting performances ng cast, abangan din ang big surprises na inihanda para sa mga Kapuso sa naturang event.
Samantala, panoorin ang mas tumitinding mga tagpo sa Luv Is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.
SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS, DITO: