What's Hot

Mala-fairytale pageant journey ni Miss Intercontinental 2021 Cinderella Obeñita

By Jimboy Napoles
Published November 5, 2021 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rent-a-car na tinangay at chinop-chop, nahanap gamit ang GPS; 4 arestado
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Cinderella Obenita Miss Intercontinental 2021


Bunga raw ng sipag, tiyaga, at pagpupursigi ang dahilan ng pagkapanalo ni Cinderella Faye Obeñita na itinanghal na Miss Intercontinental 2021.

Wagi bilang Miss Intercontinental 2021 ang Philippine bet na Cinderella Faye "Cindy" Obeñita na tubong Cagayan De Oro, Misamis Oriental. Umangat ang ganda ng 25-year-old Pinay beauty queen laban sa 70 kandidata mula sa iba't ibang bansa.

Naiuwi ni Cindy ang ikalawang korona ng Pilipinas mula sa nasabing international pageant competition na unang nakuha ni Karen Gallman taong 2019.

Sa morning queentuhan ni Cindy sa Unang Hirit nitong Huwebes, November 4, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa nasabing pageant. Kuwento niya, hindi niya raw talaga akalain na maiuuwi niya ang titulo, kuntento na raw sana siya sa isang special award na kaniyang nakuha. Pero laking gulat at tuwa niya na lang nang tawagin ang kaniyang pangalan bilang Miss Intercontinental 2021.

"Napaka-rewarding ng experience, I was very contented when I was announced winner for the continent of asia and oceania, I said to myself na talagang ito 'yung pinangarap natin, talagang contented na ako kahit na anong mangyari. But then again when announced na tayo 'yung top winner or the Miss Intercontinental 2021, talagang its like a dream that really happened, that really came true." kuwento ng beauty queen.

Sa question and answer portion, confident na sinagot ni Cindy ang tanong sa kahalagahan ng paggamit sa wikang Ingles sa international pageant.

"I don't think that speaking in a specific language is very important here in Miss Intercontinental or any pageant at all as long as that woman is a woman of power and grace, commitment, and intelligence, no matter what language she speaks..." bahagi ng sagot ni Cinderella.

Ikinuwento rin niya ang kuwento sa likod ng kaniyang napiling national costume na tinawag nilang "Diwata Gown".

"When we conceptualized, when we strategized for the national costume, we see to it na this is something na the host country can really relate too. Like 'di ba merong mga diwata sa river, sa mountain, sa forest. We've been so in love with the enchantments of the diwata. The Filipinos can relate as well as the Egyptians can relate to the diwata because they also have their Gods and Goddesses." aniya.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kaniya mula umpisa hanggang sa kaniyang pagkapanalo.

"I'm just so thankful to everyone who has shown their support, their commitment, their love, so talaga namang this is all for you." ani Cindy.

Sa ngayon ay magiging abala si Cindy sa pagpapalaganap ng kanilang adbokasiya na Cervical Cancer Awareness and Prevention. Bukod dito, magbibigay rin siya ng workshops para sa aspiring beauty queens hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Samantala, kilalanin naman sa gallery na ito ang ilang mga beauty queens na nahanap ang kanilang tahanan sa GMA Network: