
Ilang mga shopping malls sa Metro Manila ang magbibigay ng free overnight parking bilang paghahanda sa pagbahang dala ng bagyong Pepito.
Ayon sa announcement ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nakiisa ang mga malls ng SM, Ayala, at Robinson's sa pagbibigay ng libreng overnight parking.
"PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT:
"Ang lahat ng malls ng SM, Ayala, at Robinson's sa Metro Manila ay papayagan ang libreng overnight parking para sa mga sasakyan sa gitna ng inaasahang pagbaha sa iba't-ibang parte ng Kamaynilaan dahil sa matinding ulan na hatid ng bagyong #Pepito," sulat nila sa kanilang social media accounts.
Pinasalamatan din ng MMDA ang pamunuan ng nasabing shopping malls sa pakikiupagtulungan ng mga ito sa mga hakbang para mapanatiling ligtas ang mga mamamayan.
"Nagpapasalamat ang pamahalaan sa mga mall operators sa malasakit sa ating mga kababayan at sa agaran nitong tugon sa panawagan para sa tulong. #mmda," saad nila.
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT:
-- Official MMDA (@MMDA) November 16, 2024
Ang lahat ng malls ng SM, Ayala, at Robinson's sa Metro Manila ay papayagan ang libreng overnight parking para sa mga sasakyan sa gitna ng inaasahang pagbaha sa iba't-ibang parte ng Kamaynilaan dahil sa matinding ulan na hatid ng bagyong #Pepito.… pic.twitter.com/5GNwX3yCWC
Ang bagyong Pepito ay itunuturing na isang super typhoon at nasa ilalim naman ng Signal Number 2 ang Metro Manila.
Dahil dito, nagsagaw ana ng pre-emptive evacuation ang ilang lungsod kabilang na ang Maynila at Quezon City.
Ang bagyong Pepito ay isa sa apat na bagyong tumama nang magkakasunod sa Pilipinas sa nakaraang dalawang linggo.
Ito rin ang ika-anim na bagyo na tumama sa bansa sa loob lamang ng isang buwan.