
Dumalo at nakisaya ang multi-awarded actress na si Manilyn Reynes sa selebrasyon ng Kapuso Network sa ika-75 anibersaryo nito, ang “Beyond 75: The GMA Network 75th Anniversary Special,” noong Linggo, June 29.
Sa interview ng hosts na sina Tim Yap at Rain Matienzo, sinagot ni Manilyn ang tanong sa kanya kung ano nga ba ang sikreto sa matagal at maningning niyang karera sa showbiz.
Ani Manilyn, "Dasal, syempre kasama 'yon."
Dagdag niya, "Hard work kasi kailangan mong pagtrabahuan. 'Yung nandirito ka pa lang regalo na 'yon sa 'yo, so alagaan mo.
"Actually, i-quote ko si Tito Germs, lagi niyang sinasabi, 'Kung mahal mo ang trabaho mo, mamahalin ka talaga.' Tiyak 'yon."
Ibinahagi rin ni Manilyn ang mga paborito niyang Kapuso shows at una rito ay ang Anna Liza.
"Syempre, 'yung unang-unang palabas na sinalihan ko, Anna Liza, 1982. Pagsalta ko ng Manila galing Cebu, ipinasok kaagad ako sa Anna Liza, the late Julie Vega," kuwento ng aktres.
Ilan pa sa paborito niyang shows ay ang That's Entertainment at ang Pepito Manaloto, na 15 taon nang umeere ngayon sa telebisyon.
Nang tanungin kung may dream roles pa ba siya, sagot ni Manilyn, "Gusto kong mag-action. Totoo, totoo.
"And then, gusto ko rin 'yung mentally challenge kasi magandang mapag-aralan din at malaman ng mga tao, at maintindihan nila kung bakit ganu'n."
Abangan si Manilyn Reynes bilang Elsa sa Pepito Manaloto tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Bukod dito, napapanood din siya bilang Mona sa Encantadia Chronicles: Sang'gre weeknights, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
SAMANTALA, BALIKAN ANG APAT NA DEKADA SA SHOWBIZ NI MANILYN REYNES SA GALLERY NA ITO: