GMA Logo manilyn reynes arthur solinap pepito manaloto
What's on TV

Manilyn Reynes at Arthur Solinap, sumabak na sa taping para sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published September 4, 2020 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

manilyn reynes arthur solinap pepito manaloto


Ready na mag-shopping-shopping sina Robert (Arthur Solinap) at Mam Elsa (Manilyn Reynes) sa 'Pepito Manaloto!'

Sulit ang ilang buwan ninyong paghihintay, mga Kapuso, dahil ready na ang buong staff ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na magbigay saya, dahil balik-taping na ang show.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo, nagpa-COVID-19 test ang lead actress ng comedy show na si Manilyn Reynes na gumaganap na Elsa Manaloto.

May dalawang klaseng test ang ginagamit ngayon para matukoy kung tinamaan ang isang tao ng COVID-19: ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test, na tinuturing na pinaka-accurate ayon sa Department of Health; at ang ang Rapid Antibody-based Test or Immunologic method.

Manilyn Reynes

Ibinahagi ni Manilyn sa kanyang Instagram followers ang unang eksena nila ni Arthur Solinap.

Sambit niya, "Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nung Mar. 15

“First scene po ito~sina Elsa at Robert @arthursolonap With our make-up artist @iam_dixie.”

Dagdag pa ng Kapuso actress, lahat ay tumatalima sa safety protocols para mapanatiling safe ang lahat sa kanilang shoot.

“Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God

Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nung Mar. 15😊 First scene po ito ~ sina Elsa at Robert @arthursolonap💕 With our make-up artist @iam_dixie. Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God🙏🏻 #PepitoManaloto @gmanetwork

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

Wala pang opisyal na statement kung kailan sasabak sa taping si Michael V. para sa Pepito Manaloto, pero marami na ang nag-aabang na makita siyang gumanap muli bilang Pepito matapos siyang gumaling mula sa COVID-19.

#NewNormal: Celebrities at ang kanilang pagbabalik-trabaho

Manilyn Reynes, excited nang sumabak muli trabaho