GMA Logo Manilyn Reynes and Rhed Bustamante
What's Hot

Manilyn Reynes, ipaglalaban ang anak na ibinagsak ng guro sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published September 29, 2022 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes and Rhed Bustamante


Anak ni Vangie na si Chichay, ibinagsak umano ng guro dahil daw hindi agad nakapagpasa ng Form 137 at hindi rin nakapag-ambag ng pintura sa classroom.

Tampok ngayong Sabado sa "Ibinagsak" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang inang nagsusumikap sa buhay para mapag-aral ang anak pero ibinagsak lamang ng guro dahil daw hindi agad nakapagpasa ng Form 137 at nakapag-ambag ng pintura.

Bibigyang buhay nina Manilyn Reynes at Rhed Bustamante ang kuwento ng mag-inang Vangie at Chichay. Makakasama rin nila rito sina Coleen Perez bilang ang gurong si Trixie, Lui Manansala, Dayanara Shayne, Cheche Tolentino, at Via Antonio.

Sa Facebook page ng Wish Ko Lang, kasalukuyang mayroong mahigit 1.1 million views, 1,200 comments, at 1,700 shares ang trailer ng episode na ito.

Huwag palampasin ang "Ibinagsak" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 1, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: