What's Hot

Manugang vs. Biyenan: Awayang nag-ugat sa pera, sosolusyonan sa 'Ilaban Natin 'Yan!'

By Racquel Quieta
Published February 21, 2020 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bangkay ni ex-DPWH Usec. Cabral, nais nang makuha at maiuwi ng kaniyang mister
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Vicky Morales Ilaban Natin Yan


May nakaaway ka na bang kamag-anak nang dahil sa pera? Tiyak makaka-relate ka sa pilot episode ng 'Ilaban Natin 'Yan'. Silipin DITO:

May nakaaway ka na bang kamag-anak nang dahil sa pera? Hindi maiiwasan ang 'di pagkakaunawaan sa pamilya, lalo na kung tungkol sa pera, dahil isa ito sa mga mahalagang pangangailangan ng sino man.

At, sa unang episode ng bagong programa ni Vicky Morales na 'Ilaban Natin 'Yan', awayan ng biyenan at manugang na nag-ugat sa utang ang isasadula, pag-uusapan, at sosolusyonan.

Tiyak makaka-relate ang lahat ng may pinagdadaanan o may pinagdaanang kaparehong problema, dahil isasadula ito ng mga Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Anjo Damiles, Faye Lorenzo, Kevin Sagra, at Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Bukod sa pagsasadula, diringgin din ng Ate ng Bayan na si Vicky Morales ang sumbong na idudulog sa modern jeep na Palaban Express.

Mayroon ding celebrity Kalkalera of the Week na tutulong kay Vicky. Para sa pilot episode ng 'Ilaban Natin 'Yan', si Cai Cortez ang magiging Kalkalera of the Week na mag-iimbestiga at aalam sa panig ng inaakusahan.

Bukod pa diyan, paghaharapin ang magkabilang panig para sa isang masinsinang usapan, kasama si Vicky at ang mga eksperto sa iba't ibang larangan na magbibigay ng nararapat na payo.

Kaya kung nais mong maka-relate o matuto mula sa tampok na kuwento, manood ng pilot episode ng 'Ilaban Natin 'Yan' ngayong Sabado, Pebrero 22, alas-kuwatro ng hapon sa GMA-7.