
May bagong biyaya natanggap ang ToRo family ng content creator na si Toni Fowler dahil kinumpirma ng kapatid niya sa guesting nila sa Your Honor na buntis ang kaniyang Ate Mari.
Pinatawag ang dalawa para maging resource person ng House of Honorable para sa session nila na tinawag 'In Aid of Sibling Rivalry: Bangayan ng Fowler Sisters' nitong April 12 sa YouLOL Originals vodcast.
Sobrang tuwa ni Madam Chair Tuesday Vargas nang malaman buntis ang guest nila at agad niya itong niyakap. Tanong ni sa kaniya, “How does it feel Ate [Mari]?”
Pabebeng hirit ni Mari “Parang ano [laughs].” Pagpapatuloy niya, “Sobrang saya, hindi ako makapaniwala na siya lang pala. Isang bente uno lang pala 'yung [laughs].”
“Sobrang blessed 'yung pakiramdam ko. [Sabi ko], Lord maraming, maraming Salamat, binigay mo 'tong magandang regalo sa akin. And 'yung suporta ng buong pamilya ko, kapatid ko. Buong ToRo family, pati mga babies.
“Nararamdaman ko, so, ngayon pinupuno ko 'yung sarili ko ng pagmamahal, kinakalma ko 'yung sarili ko huwag maging pakialamera para hindi ako ma-stress ganun.”
Balikan ang baby announcement ni Mari Fowler ng ToRo family sa Your Honor sa video below!
RELATED CONTENT: Adorable celebrity babies born in 2024