GMA Logo Maria Isabel Lopez bb pilipinas
What's on TV

Maria Isabel Lopez, bakit nga ba may love-hate relationship sa Bb Pilipinas?

By Kristian Eric Javier
Published March 8, 2025 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Isabel Lopez bb pilipinas


Saan nga ba nagmula ang love-hate relationship ni Maria Isabel Lopez sa Binibining Pilipinas?

Bukod sa pagiging isang sexy star, kilala rin bilang isang beauty queen si Maria Isabel Lopez na nanalo sa Binibining Pilipinas noong 1982, at naging representative ng bansa sa ika-31 Miss Universe. Ngunit marami rin ang nakakaalam tungkol sa love-hate relationship niya sa naunang beauty pageant.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 7, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang napabalitang relasyon niya sa Binibining Pilipinas. Kuwento ni Isabel, lagi siyang dumadalo sa pageant coronation night simula noong manalo siya noong 1982.

Ngunit aniya, sa ika-50 anibersaryo ng naturang beauty pageant ay muntik na siyang hindi nakadalo.

Kuwento ni Isabel, “Every year, I come to the pageant coronation night so they give us tickets. This particular year, 50th year ng Binibini, hindi ako nakatanggap ng tickets pero lahat ng friends ko, lahat ng beauty queen friends ko, may mga tickets na.”

Nang malaman ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na wala pa siyang ticket, ibinigay nito kay Isabel ang ticket sana niya. Ngunit pagdating mismo sa naturang event, ay hindi rin siya pinasok at kinausap pa umano ng security.

“Nu'ng dumating ako du'n, kinausap ako ng security na bakit daw ako nandu'n tapos saan daw 'yung ticket ko. Pinakita ko 'yung ticket ko so wala silang magawa,” pag-alala ni Isabel.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG MGA NANALO SA BINIBINING PILIPINAS 2024 SA GALLERY NA ITO:

Ngunit hindi doon natapos dahil tinanong pa siya ng nasabing security kung saan nakuha ang ticket, at sinabing kay Gloria mismo, na isa noon sa mga hurado, nanggaling ang ticket.

Nalaman na lang niya na ang mismong organizer ng Binibining Pilipinas na si Stella Marquez pala ang gumawa ng paraan para hindi siya makarating.

Nang tanungin iya ni Boy kung alam ba niya kung bakit, ang sagot ni Isabel, “Because nga ang tingin nila sa'kin rebel queen ako. Tapos ang tingin nila sa'kin is 'yung background ko, naging sexy star ako. Kumbaga right after winning the pageant, ginawa ko 'yung mga movies sa Experimental Cinema of the Philippines na frontal nudity. She didn't like that.”

Pag-amin pa ni Isabel ay kahit noon pa man ay hindi na siya gusto ng naturang beauty pageant organizer dahil sa kaniyang background sa pagpapa-sexy.

Dagdag pa ni Isabel, nakapanood pa rin naman siya ng 50th coronation night, at sinabing pinaplano niyang dumalo ulit sa susunod na taon.