GMA Logo Marian Rivera, Dingdong Dantes, My Guardian Alien
Source: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Marian Rivera at cast ng 'My Guardian Alien,' buena-mano sa 2nd anniversary special ng 'Family Feud'

Published March 16, 2024 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Dingdong Dantes, My Guardian Alien


Abangan ang unang episode ng anniversary week special ng 'Family Feud' ngayong Lunes!

Lumipad ang spaceship ng pinakabagong fantasy drama series ng GMA na My Guardian Alien at lumapag sa entablado ng pinakamasayang family game show sa buong mundo, ang all-new Family Feud na buong linggong magdiriwang ng 2nd anniversary nito simula sa Lunes, March 18.

Present sa studio ang Kapuso Primetime Queen at Box-Office Queen na si Marian Rivera-Dantes pati na rin ang co-star niyang si Raphael Landicho para magbigay ng suporta sa cast ng bago nilang soap na maglalaro ngayong Lunes.

Ang Team Guardian ay binubuo ng aktor na si Gabby Eigenmann, Sparkle stars na sina Caitlyn Stave at Josh Ford, at ang theater and film actor na si Arnold Reyes.

Kabilang naman sa Team Alien ang mga komedyanteng sina Kiray Celis at Tart Carlos, ang sikat na content creator na si Christian Antolin, at Sparkle star na si Sean Lucas.

Nakipagkulitan din si Marian sa kaniyang asawa at Family Feud host na si Dingdong Dantes sa espesyal na survey portion para sa mga studio audience.

Sino kaya ang mananalo: ang Team Guardian o ang Team Alien? Tinanong namin si Marian kung aling team ang mas napupusuan niyang Manalo. Aniya, “Naku! Ang hirap yatang mamili… baka… it's a tie?” Kumampi naman si Raphael sa Team Alien.

Abangan ang unang araw ng anniversary week special ng Family Feud ngayong Lunes, March 18, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel at sa GMA Network Kapuso Livestream.