GMA Logo Marian Rivera
Image Source: marianrivera (Instagram)
What's Hot

Marian Rivera, handa nang bumalik sa in-person taping ngayong 2022

By Bianca Geli
Published March 2, 2022 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ready na magbalik-taping on location si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Less worry and more work na raw ngayon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ready na raw si Marian Rivera mag-taping on set after two years ngayong fully vaccinated na siya at boosted na rin. Maging ang panganay na anak niyang si Zia, fully vaccinated na rin kontra COVID-19.

Pisikal na dumalo si Marian sa contract signing ng isang bagong endorsement.

Mula nang mag-umpisa ang pandemya noong 2020, bihira nang tumanggap ng in-person na trabaho si Marian para maingatan ang pamilya laban sa COVID-19.

Pero ngayong bakunado at boosted na at bumababa na ang COVID-19 cases sa bansa, handa na raw mag-taping on location muli si Marian.

Pinaghahandaan na raw nina Marian at ng asawa na si Dingdong Dantes ang pagsasamahan nilang sitcom.

Kuwento ni Marian sa 24 Oras, "Tapos na 'yung script niya. [We're] finalizing the cast, and the date. Then, script reading na kami. Then after the reading, ready to roll."

Pati ang panganay na anak ni Marian na si Zia, handa na rin sa pagbabalik face-to-face activities ngayong fully vaccinated na ito.

"Gusto talaga niya, looking forward siya na mag-face-to-face na sa school. Sabi ko kasi, 'Anak, hangga't hindi ka fully vaccinated, hindi ka puwedeng pumasok sa school.'

"Sabi niya, 'Mama, I want to get the vaccine, I want to go to school.'"

Sa ngayon, mas madalas pa rin mag-work-from-home si Marian.

Nagiging masayang family bonding naman nila ito, katulad ng kanyang spiels shoot para sa Tadhana.

Marami ang natuwa sa "at home" taping ng Team Dantes para sa Tadhana, kung saan nag-ala cameraman pa si Sixto.

"Si Dong, gusto talaga nilang nanonood, tapos si Sixto nandoon, si Zia nagka-clapper minsan. Nakakatuwa na as a family kami."

Wala raw problema kung gugustuhin nina Zia at Ziggy na mag-showbiz balang araw, kwento ni Marian.

Isa lamang ang hiling nilang kondisyon ni Dingdong sa mga anak. "Aral muna sila. After mag-aral, kapag nakapagtapos sila kahit ano mang gusto nila, we will support it," saad ni Marian.

Panoorin ang buong ulat sa 24 Oras:

Tignan ang mga boss lady looks ni Marian Rivera: